Menu
Jake Cuenca, kinumpirma ang panliligaw kay Rabiya Mateo.

Exclusively dating na sina Jake Cuenca and Rabiya Mateo.
Kinumpirma ng aktor na si Jake Cuenca sa pamamagitan ni Ogie Diaz ang panliligaw niya sa beauty queen na si Rabiya Mateo.
Kung ating babalikan, ilang beses spotted sina Jake at Rabiya na mag-kasama at super sweet sa isa’t-isa. Dito na nag-simula ang mga chika kung sila na ba talaga?
Sa pamamagitan naman ng programa ni Ogie Diaz na ‘Showbiz Update’, kinumpirma ni Jake na exclusively dating na sila ni Rabiya.
Ito ay ibinahagi ni Mama Loi ang co-host ni Ogie sa programa, naitanong niya raw mismo kay jake ang tunay na real score sa kanila ni Rabiya at dito na siya naka-tanggap ng reply.
Sagot raw ni Jake : “Hi, Mama Loi, yes, it’s true. It’s safe to say that she makes me happy and we’re exclusively dating at the moment.”
Kung ating aalamin, hiwalay na si Jake sa aktres na si Chie Filomeno at maging si Rabiya naman sa aktor na si Jeric Gonzales.



