Michael Pacquiao, sumailalim sa nose job surgery o Rhinoplasty.

Sumailalim sa isang nose surgery ang anak ni Manny na si Michael Pacquiao.

Usap-usapan sa Reddit ang pagpapa-tangos ng ilong ni Michael Pacquiao matapos itong nagpa-rhinoplasty o nose surgery.

Kumalat ang isang reel video na kung saan agad na napansin ng mga netizen ang malaking pagbabago sa mukha ng anak ni Manny.

Maging ang kanyang Display Picture (DP) o Profile pic sa kanyang IG ay pinalitan na rin ni Michael na agad nagbigay ng ingay online. Kumpirmado rin na sumailalim siya sa isang rhinoplasty o nose job.

Caption sa Reddit : “Michael Pacquiao’s new nose”. Marami naman sa mga netizens ang nadismaya dahil mas gusto nila ang dating look ng binata.

Michael Pacquiao undergoes nose job or rhinoplasty
Michael Pacquiao new nose

Chika ng netizen : “Hindi naman sya panget before, well di naman yan yung point. naging ugly brother kasi siya sa mata ng public tapos ang hirap sguro nun sa self esteem niya.”

“Ok naman hitsura niya before. Mas gusto ko yung original face niya. May facial harmony noon kahit pango. Bumagay ‘yung pangong nose sa mga mata”

Dagdag pa ng isa : “Cut the boy some slack :/ he had expressed getting depressed na before for being the “ugly brother.” Not in those exact words but he said his looks really did contribute to his low self-esteem. Wag na natin pag usapan ang ilong niya. Baka mamaya, pick-upin pa ng ibang media and showbiz vloggers edi lalo pa tuloy lumaki yung matter.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na kung saan masaya si Michael ay suportado nila ito lalo na’t kung ito ang magbibigay ng confidence sa binata.

Ani nila : “Oo kung maka add sa confidence mo at kaya mo nmn gumastos ..why not! Sana si Manny din.”

‘Wow.. naging arobo ang looks ni michael. Hayaan nyo na di lang naman sya ang gumawa nyan. Sya naman magdadala nyan. at kung jan siya masaya go lang.”

Dagdag pa ng isa : “Yes po gwapo nya.kong ako my Pera oo mag retuke din po ako? Kaya lang wlang ako pera.”