Menu
Maine Mendoza at Arjo Atayde, hiwalay na?

How true ang chika na hiwalay na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde?
Usap-usapan sa social media na hiwalay na diumano sina Maine Mendoza at Arjo Atayde dahil sa kumalat na isang video.
Hindi lingid sa marami na ilang beses nang napa-balita ang tungkol sa break up nina Maine at Arjo. Parang taon-taon nalang kasi lumalabas ang chismis na ito.
Kumalat kasi ang isang TikTok video na ibinahagi ng komedyanteng si Bayani Agbayani sa social media, ang naturang video ay kuha sa mismong birthday ni Ria, ang kapatid ni Arjo Atayde.
Dito na napansin ng mga netizens ang pagiging absent ni Maine sa kaarawan ng kanyang sister-in-law dahil kumpleto raw ang buong pamilya Atayde.
Inulan agad ng mga katanungan ang comment section ng video ni Bayani kung tunay ba na hiwalay na sina Maine at Arjo. Ang nakakagulat pa ay binura agad ng komedyante ang naturang viral video.
Tanong pa ng netizens : “HIWALAY NA BA SILA ARJO AT MAINE?”.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa nagla-labas ng opisyal na pahayag si Maine o maging si Arjo.



