Arjo Atayde and Maine Mendoza face renewed breakup rumors

Muling pinag-usapan ng mga netizens ang tungkol sa diumano’y breakup o hiwalayan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Arjo Atayde and Maine Mendoza spark renewed Breakup speculation

Hindi lingid sa marami na simula noong nasangkot ang pangalan ni Arjo sa flood control scandal ay hindi na nakita ng publiko ang mag-asawang magkasama sa mga larawan o social media posts.

May mga netizens ang nagsasabing baka umiiwas lang raw si Maine na madamay sa issue ng kanyang asawa kaya awat muna sa pagpost ng mga larawan nila together o di kaya’y tuluyan na diumanong naghiwalay ang dalawa.

Caption sa Reddit :

Arjo and Maine break up?

Since Arjo recently celebrated his birthday, I noticed that they’re both missing in each other’s birthday posts? Isn’t that usually a very telling sign of something?

Komento ng netizen : “baka hiwalay lang sa mga ganap para hindi na madawit si yaya dub sa mga anumalya ng asawa nya.”

“Dalawa lang naman yan either hiwalay na o PR shit para hindi madamay si Maine sa flood control scandal.”

Dagdag pa ng isa : “Gustong gusto nyong maghiwalay yung dalawa para luminis ulit si Maine no. Hahaha ginusto nya yan, kahit maghiwalay pa sila ngayon nakinabang pa rin sya sa tax natin.”

Maine Mendoza previously missed Ria Atayde’s Birthday celebration

Kung ating babalikan, March this year ay naging usap-usapan rin ang tungkol sa breakup nina Arjo at Maine dahil sa isang reel video ng komedyanteng si Bayani Agbayani na kuha sa mismong birthday ni Ria Atayde.

Napansin kasi ng mga netizens ang pagiging absent ni Maine sa kaarawan ng kanyang sister-in-law kahit kumpleto raw ang buong pamilya Atayde.

Ang naturang video na ibinahagi ni Bayani sa social media ay agad niyang binura matapos nitong mapansin ang mga komento tungkol kina Arjo at Maine.

Share this article :