Katherine Luna, gumaling na ang mata dahil kay Coco Martin.

Gumaling na ang mata ni Katherine Luna sa tulong ni Coco Martin at Julia Montes.

Malaki ang pasasalamat ni Katherine Luna kina Julius Babao, Coco Martin at Julia Montes matapos gumaling ang kanyang mata.

Kung ating babalikan, unang naka-panayam ni Julius ang dating aktres si Katherine sa kanyang Youtube channel.

Sa naturang interview, ibinahagi ng aktres na nahihirapan siyang bumalik sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang mata, hindi na raw ito kaaya-ayang tingnan matapos nagkaroon ng problema.

Sa halip ay tinatakpan nalang ni Katherine ang kanyang mata ng mahabang bangs upang hindi na ito mapansin ng mga taong nakaka-salamuha niya.

Sa panibagong interview ni Katherine kay Julius, dito na niya ipinakita na nasa normal na ang kanyang mata at handa na siyang bumalik sa showbiz.

Katherine Luna, thanks Coco Martin and Julia Montes for their life-changing help
Katherine Luna

Para sa aktres, si Julius ang naging tulay para tulungan siya ng mga anghel na sina Coco Martin at Julia Montes na gumastos ng malaki para sa kanyang pagpapa-gamot.

Ani Katherine : “Hindi ko na talaga ini-expect na pagkakalooban pa ako ng ganitong blessing. Miracle happen talaga, kasi kung hindi niyo ako in-interview. Kung hindi ako nagpa-interview sa inyo.”

Pagpapatuloy pa niya : “Kung hindi ako pinush ng Panginoon na magpa-interview ka, hindi ako makikita ng naging angels ng buhay ko which is Direk Coco Martin.”

Nagpapa-salamat rin si Katherine kay Julia Montes na mismong nag-asikaso sa kanyang mga kailangan sa ospital.

Dagdag pa niya : “Maraming maraming talagang salamat sa iyo at kay Miss Julia. Alam ko po na isa rin siya sa nag-asikaso. Maraming salamat po sa inyo, sa kabutihan ng puso niyo.”

Sa kasalukuyan, kaabang-abang naman si Katherine sa serye ni Coco Martin na Batang Quiapo, mukhang tuloy na ang pagbabalik niya sa showbiz.