Kai Montinola, pumalag sa prediction ni Rudy Baldwin sa 2026.

Naglabas ng kanyang pahayag si Kai Montinola tungkol sa mga prediction ni Rudy Baldwin para sa taong 2026.

Kung ating babalikan, nakita raw ni Rudy Baldwin sa kanyang 2026 vision ang pagpanaw ni PBB GEN11 4th Big Placer na si Kai Montinola.

Pagbabahagi ni Rudy : “Yan si Kai [Montinola]. Sya ‘yung pinakita sa vision ko, yung ikaka-ano [ikakamatay] nya ay hamon ng kalikasan, either sa lindol sya maaano.. Masawi sya doon sa ganun..”

Dagdag pa niya : “Mas maganda nang sabihin ko to sa’yo kasi sayang ka, bata mo pa kasi, malayo pa marating mo kailangan pag nag-lindol talaga wag ka mag-panic girl, calm down relax kailangan kalma ka lang para alam mo [kung ano] ang gagawin. Hindi ka mamamatay sa aksidente, hindi ka mamamatay sa sakit. Ang ikamamatay mo ang hamon ng kalikasan.”

Marami naman sa mga netizens ng nagsasabing hindi kapani-paniwala ang pinoy psychic dahil ang gawain raw nito ay nagdadala lang ng negative energy.

Ani ng netizen : “Sabi nila, ang mga hula karamihan nanggagaling sa mga devil. At karamihan sa mga manghuhula mula din sa devil.”

Dagdag pa ng isa : “Positive lang dapat dedmahin lang yong mga negative mas malakas padin pag may paniniwala sa taas. Yong vision kasi ni Rudy ay pang evil kaya di dapat pinapansin.”

Dahil sa ingay online, nakarating na kay Kai ang naturang vision ni Rudy at agad itong naglabas ng kanyang saloobin, nagbigay rin ito ng payo na huwag maniwala sa negative energy dahil kung oras mo na ay oras mo na talaga.

Ani Kai : “Guys, don’t listen. Don’t listen to negative energy. Like, honestly, we don’t accept that here.”

Dagdag pa nito : “Reaction ko dun? wala, dedma. I mean, you know, when it’s our time, it’s our time. Pero, nasa sa’tin na ‘yun kapag, ano.. we’re careful. Lagi naman akong careful, guys. Huwag kayong mag-alala. Tsaka, di naman din ako magpapanic ng OA [kapag lindol].”