Finale ng Batang Quiapo, sa March na.

It’s confirmed! finale na ng Batang Quiapo sa March.

Kinumpirma ni Coco Martin ang finale ng kanyang serye na Batang Quiapo at ito ay sa darating na March 2026.

Kung ating babalikan, Disyembre nakaraang taon ay naging usap-usapan na ang pagtatapos ng Batang Quiapo matapos ang pag-terminate ng TV5 sa partnership nila sa kapamilya network o ABS-CBN noong Dec. 2.

Naging usap-usapan rin na hanggang January 2 nalang ang serye, ngunit ngayong araw ay kinumpirma na ni Coco na mag-tatapos na ang BQ sa darating na March 13.

Ani Coco : “‘Yung achievement ng Batang Quiapo ay sabi ko nga, pumantay sa Probinsiyano. Sana po samahan n’yo kami at pinapangako po namin sa inyo na sa loob ng tatlong taon… itong tatlong linggong ito ay isa sa mga hindi n’yo malilimutan na mga teleserye na mapapanood ninyo sa gabi-gabi.”

Dagdag pa niya : “Salamat po sa tatlong taong pagsuporta at pagmamahal ninyo sa Batang Quiapo.”

Pahabol pa nya : “Pinaghandaan namin ang pagtatapos ng ‘Batang Quiapo,’ more than sa pagtatapos ng ‘Probinsyano.’ Nag-ubos kami dito ng lakas, ng pera. Kasi sabi ko nga, hindi ko bibitinin ang mga manonood. Three years nila kaming sinamahan sa kanilang mga tahanan, gusto ko deserve nila ‘yung ending.”

Panawagan naman ni Coco na wag sana malungkot ang mga taga-subaybay ng BQ dahil may ipapalit silang serye na ipapalabas na agad-agad sa March 16 at ito ay ang seryeng ‘Sigabo’.

Sa Sigabo ay maka-kasama ni Coco ang kanyang real life partner na si Julia Montes.

Ani Coco : “Naghihintay ako ng right project para sa pagsasama namin ni Julia. Talagang hinanda ko ‘to para sa kanya. Si Juls ngayon, pukpukan ang training.”

“Nag-aaral siya ngayon ng sa baril, ng fight, sa motor. Lahat ng makakasama namin dito, nagte-training na.”

Dagdag pa niya : “Inakma namin ‘yung kwento na talagang fit para sa amin, sa estado namin ngayon. First time namin magla-light. Kadalasan kami ni Juls, heavy drama kami ‘pag nagsama. Pasasayahin naman natin ‘yung mga tahanan gabi-gabi.”