Menu
Dalawang menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban.

Usap-usapan ngayon ang dalawang armado na namaril sa Tacloban, City.
Tatlong estudyante ang pumanaw matapos namaril ang dalawang menor de edad sa isang paaralan sa Tacloban City, Leyte.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente ng pamamaril nitong umaga ng June 22, agad na nakarating sa Police Station 1 ang balita mga bandang 9:00 ng umaga tungkol sa pamamaril sa mismong loob ng San Jose National Highschool sa Tacloban City, Leyte.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad upang gumawa ng aksyon at mag-imbestiga. Dito na nila nakumpirma na may tatlong estudyanteng mga menor de edad ang nasawi at pitong mag-aaral pa ang sugatan.
Ang itinuturong namaril ay parehong mga menor de edad na kinilalang sina Alyas Nash (14 years old) at si Alyas Rod (15 years old). Ang pitong mga sugatan naman ay dahil sa tama ng bala at dahil sa panic na nilikha ng pamamaril.
Ayon sa mga ulat, na-recover sa crime scene ang 40 na mga basyo ng bala sa San Jose National Highschool. Ang mga ginamit naman na baril ay 9mm Glock na naka-rehistro sa isang Police woman (Police Regional Office 8) na tiyahin ng isa sa mga suspek.
Ang isang baril naman ay Caliber .38 Armscor na naka-rehistro sa isang security agency sa Cebu. Sa kasalukuyan ay nasa-kustodiya na ng mga awtoridad ang Police woman na nagmamay-ari ng isang baril na ginamit sa krimen.
Patuloy parin ang imbestigasyon sa naturang krimen ngunit mukhang bullying diumano ang naging sanhi sa pamamaril.
