Claudine Barretto to file a lawsuit against Cristy Fermin

Galit na galit na ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto sa social media ang pagsasampa niya ng kaso laban sa veteran columnist na si Cristy Fermin.

Claudine Barretto threatens legal action against Cristy Fermin

Matapang pa na binanggit ni Claudine ang pangalan ni Cristy sa naturang post ngayong araw October 18, pero hanggang sa ngayon ay palaisipan parin kung ano ang naging dahilan sa galit na ito ng aktres.

Aniya : “I was diagnosed with PTSD, Battered wife syndrome & Anxiety attacks. hindi po ako BIOPOLAR. at May pera po ako ni piso walang binayaran ang Ate Gretchen ko. Never akong umasa sa Ate ko. sya mismo nagsabi na never sya nagbigay ng tulong o pera sa akin. Get your Facts right!!!”

Dagdag pa niya : “Cristy Fermin. LAWYER UP!!!!”

Maraming netizens naman ang nag-bahagi ng kanilang mga komento sa social media post na ito ng aktres.

Ani ng netizen : “Some people would not understand that ….Ang mga babae kahit gaano pa Yan nag papakita Ng tapang behind those Meron ganyan nararamdaman because they’ve been too A LOT . HUGS”

“Puro amag na kasi laman utak niyang si CF kaya kung anu ano na pinagsasabi!!!! Dapat tuloyan na yan para makulong ng magtanda.”

Dagdag pa ng isa : “Sobra na talaga pang Bubully nyang si CF, tagal na nya ginagawa Yan. Below the belt na. Sumusobra na sya!!”

What Cristy Fermin and Romel Chika discussed on Showbiz Now Na

Kung ating babalikan, naging paksa nina Cristy at Romel si Claudine sa kanilang Youtube show na “Showbiz Now Na” noong October 16.

Chika pa nina Cristy at Romel na nagpa-retoke raw ang aktres ng kanyang braso. Dito na pumalag si Claudine at nilinaw na fake news ang inilabas nilang balita.

Ani Claudine : “Fake news po kayo.”