Claudine Barretto files a case against Cristy Fermin

Pasay City, Philippines – Tuluyan nang nagsampa ng Cyberlibel case ang aktres na si Claudine Barretto sa NBI laban sa veteran columnist na si Cristy Fermin at sa co-host nitong si Romel Chika.

Ayon kay Claudine, masyadong nasagad na raw ang kanyang pasensya sa mga taong patuloy na sinisira, winawarakan at pinapakialaman ang kanyang personal na buhay.

Claudine Barretto files Cyber Libel case against Cristy Fermin and Romel Chika

Kahapon, October 21, personal na nagtungo ang aktres kasama ang kanyang abogado sa headquarters ng NBI o National Bureau of Investigation sa Pasay City.

Pagbabahagi pa ni Claudine na hindi raw talaga tumigil si Cristy na siraan siya.

Matagal na raw siyang nagtitimpi ngunit nasagad na raw ito matapos magbigay ng masasamang komento si Cristy tungkol sa kanyang mental health sa pamamagitan ng kanilang Youtube program na “Showbiz Now Na”.

Ani ng aktres : “Hindi na talaga tumigil…”

Dagdag pa niya : “Walang-wala ‘yung mga complaints ni Bea Alonzo at saka ni Sharon Cuneta sa lahat ng mga pinagsasabi niya sa akin, sa pagkatao ko.”

Kung ating babalikan, naging paksa nina Cristy at Romel si Claudine sa kanilang Youtube show noong October 16.

Chika pa nina Cristy at Romel na nagpa-retoke raw ang aktres ng kanyang braso. Dito na pumalag si Claudine at nilinaw na fake news ang inilabas nilang balita.

Share this article :