Chloe kay Angelica : “gusto ma-invite, sana sinabi mo na lang”.

Muling umingay ang issue nina Chloe San Jose at Angelica Yulo matapos sabihin ni Carlos na hindi invited ang kanyang mga magulang sa nalalapit niyang kasal.

Kung ating babalikan, ibinahagi nina Carlos at Chloe sa naging panayam nila kay Karen Davila na gusto nila ang mas tahimik at mapayapang kanilang kasal.

Dito na nila napag-desisyunan na mas nakakabuti sa lahat na huwag dumalo ang kanyang mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo sa mismong araw ng kasal.

Ani Carlos : “Kasal po namin ‘yun and relationship po namin ‘yun and mas pipiliin kong kami na lang [ni Chloe]. Ayaw ko din masira ‘yung moment namin para sa’ming dapat dalawa.”

Agad na kumalat online ang naging pahayag na ito ni Carlos at pinag-usapan ng mga netizens. Sa isang social media post tungkol sa hindi pag-invite kay Angelica, nagbigay ng komento ang ina ng Atleta.

Ani Angelica : “Wooooiiiiii ahahah.”

Agad naman na nabasa ni Chloe ang komento na ito ni Angelica sa isang social media post at agad na sumagot sa comment section.

Ani Chloe : “Angelica Poquiz Yulo gusto mo lang naman pala ata ma-invite, sana sinabi mo na lang.”

Dagdag pa niya : “Angelica Poquiz Yulo Baka naman gusto mo ikwento kay miss jay mo na nag usap usap na tayo ng maayos…? Saksi lahat ng mga anak mo at asawa mo + isa sa mga pinaka-malapit mo na kaibigan.”

“Maka-post tong friend mo kuno halatang hindi ka nag kkwento ng totoo sakanya/sakanila LOLLLL HAHAHAH sabagay palabas mo nga sa iba nag walkout ka?? Eh nag yakapan nga tayo bago mag hiwahiwalay. SENDINGS HUGSSS THO. P.S. Di lang ako makapag comment with my personal account, unblock mo na kasi ako chiii.” Komento ni Chloe.

Share this article :