Brent Manalo, nagsalita sa Pax Silica issue.

Bakit maingay ngayon ang issue ng Pax Silica AI hub sa New Clark City, Tarlac?

Isa ang aktor at ang Pinoy Big Brother alumni na si Brent Manalo ang kontra sa proyektong Pax Silica na pina-planong ipatayo sa Tarlac.

Para kay Brent, ang Tarlac ay isa sa lugar o sentro ng agrikultura. Kung sakali raw na matuloy ang Pax Silica Project sa ating bansa ay maraming magsasaka ang mawawalan ng hanap buhay.

Ani Brent : “NO TO PAX SILICA- Tarlac heavily relies on agriculture for its sustenance and marami sa magsasaka namin ang posibleng marelocate at mawalan ng kabuhayan dahil dito. And this is just one of the many risks it poses. the 1.6[k] hectare[s] AI-hub promises to be innovative but at what cost.”

Bakit masama ang Pax Silica sa ating bansa?

Ang Pax Silica ay proyekto upang palakasin ang teknolohiya at manufacturing industry sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pag-invest sa local workforce. Kasama rin sa layunin nito ang pagtulong sa US na mabawasan ang pagdepende nila sa China pagdating sa technology at critical minerals.

Ayon sa mga ulat, minamadali ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA at ng US State Department ang agreement na target pirmahan sa Nobyembre 2026. Umaasa ang proyekto sa dalawang pangunahing assets ng Pilipinas; ang malalaking reserba ng nickel, copper, cobalt at ang mababang-cost na local workforce.

Dahil dito, nais ng US at ng mga kaalyadong bansa na magkaroon ng alternatibong source ng mga mineral na kasalukuyang malaking bahagi at kontrolado ng China. Magkakapag-bigay raw diumano ang proyektong ito ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sakop ng Pax Silica ang Luzon Economic Corridor na mag-uugnay sa Subic, Clark, Tarlac, Manila, Batangas, at ilang mining areas. Plano rin nitong magtayo ng mga AI-related projects, kabilang ang posibleng AI data centers na mangangailangan ng malawak na lupa, malaking supply ng tubig para sa cooling at mataas na konsumo ng kuryente.