Hanggang January 2, 2026 nalang raw ang Batang Quiapo ni Coco Martin?
Lumabas ang mga balitang liligwakin na ang Batang Quiapo ni Coco Martin at sa January 2, 2026 na ang finale.
Marami naman sa mga netizens ang biglang nalungkot matapos nilang marinig at nabasa ang bali-balita, hindi na raw kasi nila mapapanood ang Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.
Sa kasalukuyan, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang produksyon at pamunuan ng Batang Quiapo.
Ani ng mga netizens, mukhang may kinalaman ito sa pag-terminate ng TV5 sa partnership nila sa kapamilya network o ABS-CBN noong Dec. 2.
May mga lumalabas rin na mga balitang hindi nagampanan ng ABS-CBN ang kanilang financial obligations sa TV5, hindi diumano na-remit ng kapamilya network ang P1B pesos na advertisements revenue share na para sa kapatid network.
Kapansin-pansin na tila bibigyang daan ng TV5 ang kanilang mga bagong palabas o serye sa 2026 dahilan upang niligwak nila ang mga Kapamilya shows na umeere sa kapatid network.
Isa na rito ang niluluto nilang programa o serye para kina Andrea at Enrique na may pamagat na ‘A Secret in Prague’.
Ani ng mga netizens : “Mas nauna pang nawala pa ang batang quiapo keysa showtime. Pag ang Showtime tangalin sa GMA. OMG nalang talaga!”
“Pag nwala ung BQ, e di ang Sanggre na ang tumapos jan. Kung ung probinsyano nya tinapos ng lolong 1, Sanggre naman.”
Dagdag pa ng isa : “Sa Channel 5 lang iyang January 2, 2026 na hindi na eere Batang Quiapo, meron naman sa Kapamilya Channel.”




