Inamin ni Alexa Miro na ang third party sa break up nila ni Sandro Marcos ay ang beauty Queen at dating PBB housemate na si Franki Russel.
Hindi lingid sa marami na naging usap-usapan sa social media ang hiwalayan ng aktres na si Alexa Miro at ng 1st district of Ilocos Norte Congressman na si Sandro Marcos ngunit hindi parin maliwanag kung ano ang tunay na dahilan sa kanilang break up.
Not until noong Lunes ng gabi Sept 22, nagsalita na si Alexa sa pamamagitan ng kanyang Tiktok live, dito na niya inilahad at matapang na pinangalanan ang babaeng nasa likod ng kanilang hiwalayan ni Sandro.
Dito rin ibinahagi ni Alexa ang kanyang saloobin tungkol kay Sandro kung bakit ayaw ng kongresista na aminin nila ang kanilang relasyon sa publiko.
Ani Alexa : “Ex-boyfriend [Sandro Marcos] na ayaw ako paaminin na naging kami. Bakit kaya? Isa rin ‘yung palaisipan. Sino nagmukhang kilig na kilig sa media, edi ako diba? yes, he denied me to the public.”
Sa hindi nakaka-alam, tumagal din ng limang taon ang relasyon nina Alexa at Sandro bago sila tuluyang maghiwalay, kasunod sa mga pahayag na ito ng aktres, agad na niyang pinangalanan ang third-party sa relasyon nila.
Pagbabahagi ni Alexa : “Clue ng girl, [si] Franki Russell. Binastos niya pa ako sa club. Pinaiyak niya ako kasi kinausap ko [lang] siya.
“[habang sa club] Sabi ko, ‘Girl at the end of the day it’s not just the girl’s fault, and all I wanna know is if he said I love you?
“I tried to touch her arm [ni Franki Russel], but she pushed it aside. Then she said, ‘He already chose you, right? So get out of my face.
“So umiyak ako doon, pero ipinagtanggol ako ni Barbie Imperial, sabi niya, ‘Hindi ka iiyak dito sa club, punasan mo ‘yang luha mo.’” pagbabahagi ni Alexa.
Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa naglalabas ng kaniyang pahayag si Franki Russel maging ang ex-boyfriend ni Alexa Miro na si Cong. Sandro Marcos.