Cianne Dominguez sinabing “Mabaho ang Hininga” ni Jeo Ong

Nakatanggap ng samu’t-saring pambabatikos ang It’s Showtime host na si Cianne Dominguez matapos nitong sabihin na ‘mabaho ang hininga’ ni Jeo Ong.
Cianne Dominguez tells Jeo Ong he has “Mabaho ang Hininga”
Kumalat kasi sa social media ang isang clip na nagmula sa PBB livestream, dito na napanood ng mga fans ni Jeo ang paguusap nila ni Cianne.
Hindi nila nagustuhan ang pagsabi ng host na mabaho raw ang hininga ng kanilang idol.
Ani Cianne kay Jeo :
Eto kasi eh ang baho ng hininga eh, nag toothbrush kaba this morning? or yesterday morning pa?
Sagot ni Jeo : “Alagang ano ‘yan.. alagang.. Doc RFD…”
Jeo Ong’s Fans slam Cianne over her remark
Pumalag naman ang mga fans ni Jeo at tinawag nila na masyadong insensitive ang mga binitawang salita ni Cianne.
Ani ng netizen : “Nag salita ang amoy tokpu! Hahaha, feeling ko tong si Cianne ang unang aalis sa bahay ni kuya.”
“Alagang Urban Smile yan, hanep rin ang ilong ni Cianne kahit hindi katangusan eh naamoy ng ganun kalayo, jusko Cianne!”
Dagdag pa ng isa : “Di ba sila nakaranas bumaho ang bibig nila kahit minsan? alam naman natin na normal lang yan. Lalo kung bagong gising.”
