Bernadette Arcal calls out PBB Bela for oversharing family issues

Usap-usapan sa social media ang post ni Bernadette Arcal, ina ni Pinoy Big Brother housemate Bela, matapos niyang maglabas ng saloobin tungkol sa mga ibinahaging kuwento ng kanyang anak tungkol sa kanilang pamilya habang nasa loob ng PBB house.

Bernadette Arcal expresses disappointment over Bela’s PBB stories

Sa kanyang post, Inihayag ni Bernadette ang pagkadismaya niya sa umano’y pagkuwento ni Bela ng mga negatibong karanasan nito sa kanilang pamilya.

Aniya, tila lahat na lamang ng hindi magandang bagay tungkol sa kanilang pamilya ay naibahagi na ng kanyang anak sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ayon kay Bernadette, tila puro masasakit lang na karanasan ang naaalala ni Bela pagdating sa kanilang pamilya.

Binanggit din niya na naaalala raw ng kanyang anak ang mga pagkukulang niya bilang ina, ngunit hindi nito nakikita ang mga sakripisyong ginawa niya upang mapalaki at mapag-aral ito.

Ani Bernadette :

Ikaw lang tanging na anjan sa loob na lahat ng negative sa pamilya mo kinuwento mona. Parang di ka naging masaya sa buhay mo ah. Puro kapighatian lang ba naranasan mo sa pamilya mo.

Naaalala mo kakulangan ko sayo pero never mong nakita na ako bumuhay sayo at ako lang nagpaaral sayo. At ako nanindigan sayo para makarating ka kung san lupalop ka anjan.

Bela’s mother recalls her sacrifices in raising her daughter

Ipinunto rin ni Bernadette na siya ang nagtaguyod at nanindigan kay Bela para makarating ito sa kung nasaan man ito ngayon. Dahil dito, hiniling niya sa anak na huwag maging ungrateful at hypocrite.

Wag naman sanang ungrateful at hypocrite. Almost 30 yrs na yang kwento mo na hinahalungkat tapos mali mali pa. Anak kita pero hinding hindi ko itotolerate ang mga maling ginagawa mo kahit feeling mo sikat ka na.

Lumabas ka nalang jan. Simpleng tao lang kame pero nadadamay kame sa ambition mong mali. Pumasok ka lang pala jan para lalong masira ako. Yung ganti mo di dapat sa akin yan. Sarap ng pa birthday mo sakin.

Dagdag pa niya, mas mabuti umanong lumabas na lang si Bela sa PBB house dahil nadadamay na ang kanilang pamilya sa mga nangyayari.

Ipinahayag din ni Bernadette ang pakiramdam na tila pumasok lamang ang kanyang anak sa programa upang lalo siyang masaktan at mapahiya sa maraming tao.

Share this article :