Qualified SSS Members to receive up to P8k in UPLIFT assistance

Simula ngayong araw October 30, may matatanggap na hanggang P8,000 o 8k na financial assistance ang mga qualified members ng SSS o Social Security System dahil sa UPLIFT Assistance Program ng ahensya.
Qualified SSS members to receive up to P8,000 in UPLIFT assistance
Ang assistance na ito ay programa under ng DSWD o Department of Social Welfare and Development katuwang ang SSS.
Layunin ng dalawang ahensyang ito na magbigay ng karagdagang financial support sa mga qualified SSS members at pamilyang nangangailangan ng tulong sa gitna ng mataas na mga bilihin o gastusin.
Kabilang sa mga beneficiaries na qualified SSS members ang may MSC o Monthly Salary Credit na hindi lalampas sa P10,000. Ito ay dagdag sa naunang coverage ng programa para sa mga SSS members na may MSC na hindi hihigit sa P20,000.
Sa pagbabahagi ng SSS, ang kabuuang P8,000 uplift assistance ay ibibigay sa apat na tranches na tig-P2,000. Ipapasok naman ang pera sa registered SSS disbursement accounts ng mga qualified beneficiaries.
Nilinaw naman ng SSS na hindi automatic na makakatanggap ng assistance ang lahat ng members na may MSC na P10,000 pababa. May mga requirements kasi na kailangang maipasa o maipakita bago mapasama sa listahan ng mga beneficiaries.
Requirements to receive the SSS 8K financial assistance
Para maging qualified, kailangang nakapagbayad ang member ng at least one SSS contribution noong 2025 o 2026. Dapat kabilang rin ang miyembro sa PSA o Philippine Statistics Authority 2024 Community-Based Monitoring System o CBMS database.
Kailangan rin na naka-enroll ang disbursement account ng member sa pamamagitan ng SSS DAEM o Disbursement Account Enrollment Module sa loob ng enrollment period.
Kaya mahalagang siguraduhin na tama at updated ang bank account details mo o ibang registered disbursement details.
Pinapayuhan rin ng ahensya ang mga SSS members na regular na tingnan ang kanilang My.SSS account para malaman kung kabilang sila sa qualified beneficiaries.
Ayon sa SSS, maaaring makita ang official notifications tungkol sa kanilang eligibility para sa UPLIFT assistance.
Samantala, ang qualified SSS members na may MSC na P20,000 ay nakatakdang makatanggap ng third at fourth tranches na may kabuuang P4,000 simula noong November 6, 2026.
Ang mga hindi pa nakakatanggap ng naunang assistance ay maaaring makatanggap ng buong P8,000, habang ang mga nakatanggap na ng unang dalawang tranches na nagkakahalaga ng P4,000 ay makakatanggap ng natitirang P4,000.
