Tuluyan ng naka-unfollow at tinapos na ni Mika Salamanca ang pagkakaibigan nila ni Kitty Duterte, ano kaya ang issue nilang dalawa?
Hindi lingid sa marami na bago paman maging official PBB housemate si Mika ay tunay na malapit na ito sa mga Duterte lalong-lalo na kay Veronica ‘Kitty’ Duterte, ang bunsong anak ng dating pangulo.
Isa rin si Mika sa mga bumuboses na celebrities ngayon tungkol sa nakakatakot na anomalya sa flood control projects at sa malalang korapsyon ng mga politiko sa ating bansa.
Ngunit kamakailan lang ay tila nabahiran ng pagiging ‘two faced’ diumano si Mika sa social media tungkol sa ipinaglalaban nito kontra sa korapsyon kung gayon ay malalapit siya sa mga ‘nepo babies’ lalong-lalo na kay Kitty Duterte.
Ayon sa isang netizen : “Kakampink (2022), nag party with Kitty (2024), umaming may GC with Kitty (2025), still following kitty (2025), kasama sa rally against corruption (2025), naka unfollow na [kay Kitty] ngayong araw,
“Medyo magulo timeline natin nak [Mika]. Nakipaglaban ka para sa good governance noong 2022 pero pinili mo pa rin maging kaibigan yung anak ni Duterte. Kasama ka sa party, may tiktok together, mag gc with her, naka follow ka even after makalabas ka ng PBB house?? You only unfollowed her TODAY, kasi ano? na call out na? namulat ka today?” dagdag ng netizen.

Dahil sa samu’t-saring batikos na natatanggap ni Mika, agad siyang naglabas ng kanyang pahayag tungkol sa isyu na ito, dito na ibinahagi ng dalaga ang paglilinaw sa kanyang X (dating Twitter), ayon sa kanya, sa mga panahon umano na nasa lowest point siya ng buhay niya ay hindi na siya masyadong nakapili ng maayos na mga kaibigan.
Ani Mika : “i understand where the disappointment and frustration are coming from and i am truly sorry. if i can only say one thing about this, i assure you that i stand and will always stand with the people.
“yes i admit that i had questionable choices of friends when i was at my lowest, but one thing has always been clear to me, i’ve always made sure to stand my ground even during those times. i spoke about what i believed in no matter who i was around.” dagdag ng dalaga.
Samantala, isa rin sa mga binabatikos ngayon ng mga netizens ay ang former PBB housemate at naging kasama rin ni Mika sa loob ng bahay ni Kuya na si Shuvee Etrata, kumalat kasi ang lumang video ng dalaga noong March 12, 2025 at ang naging paksa niya sa naturang video ay ang pag-aresto sa dating pangulo na si Rodrigo Duterte noong March 11 ng gabi.
Sa naturang video ni Etrata, kitang-kitang ang pag-aalala niya sa dating pangulo, inamin pa nitong hindi niya napigilan na humagulgol sa iyak dahil sa nangyari kay Duterte, dito na nagsimulang mabatikos si Shuvee dahil tila kinukumprima niya na siya ay isa sa mga DDS.