Alden Richards breaks silence after Xian Gaza’s revelations

Nilinaw ng aktor na si Alden Richards na siya ay “mabuting tao” sa kabila ng mga rebelasyon at paninira sa kanya ni Xian Gaza sa social media.
Xian Gaza makes allegations involving a condo unit and luxury watches
Kung ating babalikan, ibinandera ni Xian online ang tungkol sa diumano’y condo unit ng mag-asawang negosyante na hanggang sa ngayon ay hindi pa binabalik ng aktor.
Kasama rin sa Exposé ni Gaza ang tungkol sa sampung luxury watches na hiniram diumano ni Alden sa mga negosyante at sa kasalukuyan ay hindi pa binabalik ng aktor ang anim na mga relo.
Ani Xian : “”Inangkin na ang condo mars.. until now hindi pa nagmo-move out.. ayaw isauli pinapaalis na siya ng maraming beses, ayaw talaga niya..”
Dagdag pa niya : “Ito pa ang matindi, kumapit na kayo.. higit sampung mamahaling relo ang nahiram niya dun sa lalaki.. ‘yung anim? hindi niya pa naisasauli hanggang ngayon doon sa mag-asawa my God…”
Alden Richards says “I Am a Good Person” at Hero For All 2026
October 25, sa isang event na Hero For All 2026, isa si Alden sa mga tumulong upang makapili ng 20 awardees sa pamamagitan ng kanyang AR Foundation.
Ani Alden : “I really do believe that if there’s one thing I’m proud of, sabihin niyo nang mayabang ako.. pero alam ko, at the end of the day, I am a good person. No one can take that away.”
Dagdag pa niya : “And if there’s one thing na hindi mananakaw sa inyo ng kahit sinuman, ‘yun po yung kabutihan ng puso.”
