Zara Lopez gets annoyed at Simon Javier during Ogie Diaz interview

Usap-usapan sa social media ang pag-attitude raw ng Viva Hot Babes member na si Zara Lopez habang nasa interview sila ni Simon Javier sa programa ni Ogie Diaz.

Zara Lopez and Simon Javier discuss their co-parenting setup

Sa naturang panayam, napag-usapan nina Zara, Simon at Ogie ang tungkol sa co-parenting setup nilang dalawa noong panahon na sila ay naghiwalay.

Ang short clip ay ibinahagi ng isang netizen sa X o dating Twitter na talagang hot topic ngayon online.

Caption ng netizen : “kapag nagsama dalawang red flags para silang sasabog together, nakakaawa nalang silang panoorin, tapos doon pa talaga nagaway while being interviewed they both need to get away from each other!!! tsaka diko gets fantasy ni Zara na umaattitude while nasa interview.”

Zara denies asking Simon to marry her

Sa naturang video, mapapansin ang pagkontra ni Zara sa naging pahayag ni Simon tungkol sa pag-request niya raw ng kasal bago siya magpa-esmiringhoy o makipag-sex.

Pagbabahagi ni Simon : “One year kaming nag co-parents pero walang nangyari saming chukchakan, bembangan or kahit ano man ‘yan.. kasi sabi niya ano eh, sabi ni Zara pakasalan mo muna ako..”

Dito na pumalag si Zara at biglang nagbago ang timpla ng kanyang itsura matapos mabanggit ni Simon ang tungkol sa kasal. Agad niyang pinutol ang pagsasalita ng content creator.

Ani Zara : “Oops, wala akong sinabing ganyan. teka lang.. wala akong sinabing ganun.. never akong mag-aask to anyone na pakasalan mo ako.. never kong inask ‘yun.”

Sabay hirit ni Simon : “Pero papakasalan na kita..”

Sagot ni Zara : “Hindi.. pero klaruhin lang natin ‘yun ha.. never kong sinabi na pakasalan mo ako ha.. wala kang narinig sa akin na ganun.”

Share this article :