Xian Gaza revealed details of Alden Richards’ Condo issue

Sunod-sunod ang mga pasabog na inilabas ni Xian Gaza sa social media tungkol sa diumano’y condo at relo issue ng aktor na si Alden Richards.
Xian Gaza shares allegations about Alden Richards’ Condo and Luxury Watches
Sa pagbabahagi ni Xian, ibinandera niya ang tungkol sa diumano’y paghiram ni Alden ng isang sosyal na condo unit at luxury watches sa negosyanteng mag-asawa ngunit hanggang sa ngayon raw ay hindi pa ito binabalik ng aktor.
Ani Xian : “EXPOSÉ: Alden Richards hindi nagbabayad ng upa sa condo, nagnakaw pa ng anim na relo!”
Ang naturang video ay ibinahagi ng pambasang marites sa kanyang Facebook account noong October 23.
Chika ni Gaza : “Inangkin na ang condo mars.. until now hindi pa nagmo-move out.. ayaw isauli pinapaalis na siya ng maraming beses, ayaw talaga niya..”
Dagdag pa niya : “Ito pa ang matindi, kumapit na kayo.. higit sampung mamahaling relo ang nahiram niya dun sa lalaki.. ‘yung anim? hindi niya pa naisasauli hanggang ngayon doon sa mag-asawa my God…”
Business Couple allegedly could not recover the Condo
Ayon kay Xian, ang source niya raw ay ang mismong malapit na kaibigan ng dalawang mag-asawa.
Dito na naikwento ni Gaza kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa napapaalis si Alden sa naturang condo.
Aniya : “So ayun na nga, according sa sourceret natin eh hindi daw makagalaw yung mag-asawa kasi tine-threat daw sila ni Alden na sasampahan ng kaso. Winawasiwas palagi ni Alden yung mga big connections niya sa government. Binu-bully niya yung mag-asawa that’s why after many years ay hindi pa rin siya mapaalis-alis sa condo.”
Pagpapatuloy pa niya : “Hindi rin daw nila mabawi yung mga relong hiniram niya kasi tine-threat daw sila ni Alden na babaliktarin sila sa media given na may pangalan siya. Duda yung sourceret natin na baka daw may alam na sikreto si Alden doon sa mag-asawa kaya hindi sila makalaban that’s why nag-take initiative na daw siya na lumapit sa akin.”
Xian Gaza claims Alden is still staying in the Condo
Sa huling post ni Xian sa kanyang Facebook page, nilinaw niya na halos umabot na diumano sa 7 years ang paninirahan ni Alden sa condo unit ng mag-asawang negosyante. Maging ang mga utility bills raw ay hindi nagawang bayaran ng aktor.
Aniya : “Nyeam! For the past few years eh marami na palang tabloid writers and journalists ang nagtangkang i-expose si Alden pero palagi niya itong napapatahimik gamit yung mga abugado niya and powerful connections.”
Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktor na si Alden Richards tungkol sa mga alegasyon laban sa kanya ni Xian Gaza sa social media.
