Xian Gaza made multiple allegations against Alden Richards

Usap-usapan sa social media ang mga alegasyon ni Christian Albert ‘Xian’ Gaza tungkol sa hindi pagbayad diumano ni Alden Richards ng upa sa condo ng mayaman na mag-asawa.
Caption ni Xian : “EXPOSÉ: Alden Richards hindi nagbabayad ng upa sa condo, nagnakaw pa ng anim na relo!”
Xian Gaza accuses Alden Richards of failing to return a borrowed Condo
Sa naturang video, ang mayaman na mag-asawa raw na may magandang condo ay naging family friend ng aktor, ipinahiram diumano sa kanya ang unit noong covid-19 pandemic era pero hanggang sa ngayon raw ay hindi pa ito binabalik ni Alden.
Panimula ni Xian : “Alden, mas scammer kapa pala sa’kin? nakakaloka ka! akala namin juding [bading] ka lang…”
“Ito palang si Alden Richards mars… may naging family friend.. big time! mag-asawa.. big time negosyante noong pandemic, naging close ng pamilyang ito.. ending, dahil nagdadrama si accla na hirap na hirap na siyang pumunta sa mga shooting niya.. dahil pandemic ang daming restrictions.. blah blah blah..”
“Nag-offer ang mag-asawa ng isang sosyal, bigtime na mamahaling condo unit na ipahiram sa kanya temporarily habang tayo ay nasa gitna ng pandemya.” Chika ni Xian.
Dito na ibinahagi ni Xian na agad tinanggap diumano ni Alden ang offer ng mag-asawa pero hanggang sa umabot na raw ang ilang taon ay ayaw na raw mag-move out o ibalik ng aktor ang naturang condo.
Xian claims 6 Luxury Watches remain unreturned
Nasambit rin ni Xian na hindi lang raw condo unit ang ayaw pa ibalik ni Alden sa mag-asawa dahil kahit raw mga mamahaling relo na hiniram ng aktor ay hindi pa nito naibabalik, nakakahalaga raw ng milyones ang bawat isa.
Aniya : “Inangkin na ang condo mars.. until now hindi pa nagmo-move out.. ayaw isauli pinapaalis na siya ng maraming beses, ayaw talaga niya.. ito pa ang matindi, kumapit na kyo.. higit sampung mamahaling relo ang nahiram niya dun sa lalaki.. ‘yung anim? hindi niya pa naisasauli hanggang ngayon doon sa mag-asawa my God…”
Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang reaksyon o opisyal na pahayag ang aktor na si Alden Richards.
