TV5 show hosted by Korina Sanchez faces backlash over AI use

Nakatanggap ng samu’t-saring pambabatikos mula sa mga netizens ang morning show ni Korina Sanchez sa TV5 matapos mapansin ang paggamit nito ng artificial intelligence o AI.
Netizens react to the AI-Generated intro of Korina Sanchez’s TV5 show
Naging usap-usapan ito sa social media matapos mapansin ng mga viewers na ang intro ng naturang show ay gawa sa AI at walang kabuhay-buhay.
Agad silang nadismaya at napatanong kung bakit gumagamit ang isang TV network ng artificial intelligence generated clips.
Post ng netizen : “Nakakaloka tong tv5, hindi na nahiya sa paggamit ng AI. ang sakit sa mata! as a media company, dapat mas alam niyo ang kahalagahan ng creativity at originality. dapat kayo ang nagpo-promote ng talento at nagbibigay ng oportunidad sa mga creative professionals.”
Komento ng iilan : “Hindi manlang ginastusan haha halatang gawa sa flow eh, pangit pa ng quality . Kung seedance yan realistic.”
“Ano ba yan TV 5, Lowkey saying approved sa kanila ang PAX Silica.”
Dagdag pa ng isa : “Ugh. Nasaan yung good old production with actual people hired to participate sa shoot? Ang pangit.”
AI use in Television sparks debate among viewers
Gayunpaman, may mga pagkakataon talaga na ginagamit ang AI bilang tool para makatulong sa paggawa ng contents, kabilang ang pagbuo ng visuals, research assistance at iba pang production tasks.
Sa ngayon, patuloy na pinag-uusapan sa social media ang paggamit ng AI sa television at digital media.
Para sa mga netizens at viewers, mahalaga pa rin sa sa kanila ang originality, creativity, at kalidad ng content na kanilang pinapanood online man o sa free tv.
