Boy Abunda speaks out after Josh Aquino called ‘Walang Kwenta’

Galit na naglabas ng pahayag ang King Of Talk na si Boy Abunda matapos niyang mapanood ang pagtawag kay Josh Aquino na ‘walang kwenta’ sa podcast ng Machong Chismisan.

Machong Chismisan hosts’ remarks about Josh Aquino spark outrage

Kung ating babalikan, kumalat sa social media ang pang-ookray at pangungutya ng mga podcast hosts sa panganay na anak ni Kris Aquino.

Ani ng isang host : “Si Bimby sobrang okay na anak. Si Josh walang kwenta eh.”

Bago pa man tuluyang binura ang naturang video ay maraming galit na galit na mga netizens ang nakapag-screen record na at nagawa nilang irepost sa social media ang naturang clip.

Ani ng netizens : “Tapos pag dinamay anak ng mga chismosong yan magagalit sila hahahaha”

“Josh is a devoted son and a genuinely good soul. He stands far above the critics who attack innocent people just to expose their “defects.” While vloggers maliciously attack Josh—someone they’ve never met—just for profit and clout, Josh remains pure-hearted.”

Dagdag pa ng isa : “Dito mo makikita kong sino ang walang kwenta tingnan nyo mga taong yan malalakas educado pero ugaling walang kwenta. Darating ang araw yong mga tao na yan mas malala pa na magiging walang kwenta.”

Boy Abunda reacts to the podcast about Josh Aquino

Maging si Tito Boy ay naglabas na rin ng kanyang pahayag. Aniya na sobrang nakakagalit at sobrang nahirapan siya na panoorin ang naturang video ng buo.

Ani Tito Boy : “This is very difficult for me, mga kaibigan. Nakakagalit. Ang dami-dami ko pong katanungan. I was watching the clip. I will admit, I didn’t watch the whole show but I will watch it after our show.”

“Habang pinapanood ko po ang clip na ito, hindi ko alam how these bunch of podcasters na mukhang matatalino, edukado, ay magagawa ang ganitong ka-cruel na komentaryo.”

“Ako, if Kris will ask me, we haven’t had a chance to speak about it but I would tell her, ‘Go to court! Idemanda mo! Dahil labag ito sa batas.” dagdag pa ni Abunda.