Lyca Gairanod reveals why she accepted political rally work in 2022

Nilinaw ng singer at The Voice Kids Philippines Season 1 grand champion na si Lyca Gairanod na na-stroke pala ang kanyang ama kaya tinanggap nito ang trabaho para sa Grand Rally ng BBM-SARA tandem noong 2022 elections.

Ito ay ibinahagi ni Lyca sa isang panayam kay Boy Abunda, may personal palang dahilan kung bakit tinanggap niya ang iba’t-ibang work opportunities na dumadaan sa kanya noong panahong ‘yon.

Ani Lyca : “Yung father ko na stroke, so lahat ng work ko is tinanggap ko kahit ano pa yan. Mabash man ako, ano man sabihin ng tao, basta sa pamilya ko.. Lalo na sa papa ko that time, gagawin ko.”

“Kasi hindi ‘yun para sa akin, tulong ko yun para sa papa ko dahil wala akong ibang hinihiling kung hindi gumaling siya..” Paglilinaw ng singer.

Lyca Gairanod explains her side amid political backlash

Kung ating babalikan, muling umingay at nag-viral sa social media ang debut song ni Lyca na ‘Puede Nang Mangarap‘ na sinulat ni Jungee Marcelo.

Kasabay nito ang pag-ungkat ng mga netizens sa mga social media accounts o activities ng dalaga, dito na nila napansin na patuloy parin na naka-follow ang singer kina BBM at SARA taong 2026.

Paglilinaw pa ng singer : “Ako naman po when it comes to social media, kahit naman sino pwede kong ifollow.. Yes po. Wala naman po sa akin, hindi siya personal, wala naman kahit ano. So, ‘yung sinabi ko na wala akong alam sa politics, nung time na yun siyempre 2022.”

Dagdag pa niya : “Wala akong pinaniniwalaan in politics. That’s it. Wala akong tiwala sa politics.”