Viva Films Producer Hints at Sarah Geronimo Pregnancy

Mukhang pahiwatig para sa mga fans na kumpirmado na ang pregnancy rumors kay Sarah Geronimo matapos sagutin ng Viva Films producer na si Vic del Rosario Jr. ang tanong tungkol sa pagbubuntis ng aktres at singer.

Kung ating babalikan, naisulat na namin noong September 21 ang tungkol sa nalalapit na panganganak ni Sarah matapos lumabas ang mga bulung-bulungan na ngayong december na diumano ang maturity ng kanyang pregnancy.

Hindi lingid sa marami na ang karera ng Pop Star Royalty ay pangangalaga ng Viva Artists Agency, na nasa ilalim ng Viva Entertainment na pinamumunuan ni Boss Vic.

Sa naging panayam ni Mj Felipe, kinumpirma ni Boss Vic na magbabalik si Sarah sa trabaho next year dahil sa kasalukuyan raw ay hindi pa ito pweding kumayod.

Aniya : “Next year magtatrabaho na. Yun lang ang masasabi ko.”

Naitanong naman sa kanyang kung may katotohanan ba talaga ang pagbubuntis ng singer pero nilinaw ng Viva Films producer na wala siyang karapatan na kumpirmahin ang bali-balita.

Ani Boss Vic : “Ayokong manggaling sa akin, pero parang alam naman ng mga tao na hindi siya puwedeng magtrabaho. Hanggang dun lang.”

Dagdag pa niya : “Sa ngayon, eh.. hindi pa siya puwedeng magtrabaho… next year, dahil ano… she’s enjoying her happy life.”

Ibinahagi rin nito ang tungkol sa matagal nang tsismis na may alitan sina Sarah at Mommy Divine. Aniya na hindi naman talaga nag-away ang mag-ina.

Pagbabahagi pa niya : “Sila naman, parating ayos. Never silang nag-away. So, I think maling ano yon, hindi sila bati. Siguro lang, mas napa-publicize ngayon. Dati, parati naman silang nag-uusap.”