Sarah Geronimo buntis na, sa December manganganak?

Kakapasok pa lang ng buwan ng September ay naging usap-usapan na ang pagbubuntis ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa panganay nila ng aktor na si Matteo Guidicelli.

Hindi lingid sa marami na naging laman ng mga blind item at chismis sina Sarah at Mateo sa social media kamakailan.

Maging ang GMA Entertainment ay naisulat rin ang pregancy rumors ng singer.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng dalawa kung totoo ba na nagdadalang-tao na si Sarah, not until lumabas ang larawan nilang mag-asawa na ipinost ng kapatid ni Matteo na si Georgia Guidicelli-Dato sa social media.

Sa naturang larawan ay naka-maternity dress na si Sarah at super agaw pansin na ang kanyang baby bump. Mukhang confirmed na talaga ang pagbubuntis ng singer.

Maging ang sikat na Gossip news site na Fashion Pulis ay kinumpirma na talaga ang pagbubuntis na ito ni Sarah.

Ani ng Fashion Pulis : “After several years since Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo got married, the good news is that she is finally pregnant!”

Dagdag pa nila : “Although a formal announcement has yet to be made, rumors and the revelation in social media from Matteo’s friend of him becoming a dad, apparently confirmed Sarah is with child. It can be recalled that around May, the singer/actress was advised by a physician to go on medical leave at the last minute, thus missing her participation in an event.”

Sarah Geronimo, sa December na raw manganganak?

Sa latest Youtube vlog naman ni Ogie Diaz, ibinahagi niya na maging siya ay kumbinsido o naniniwalang buntis na talaga si Sarah.

May mga bulung-bulungan raw na sa December na manganganak ang singer, chika pa nito na kung hindi aamin sina Sarah at Matteo, pwes ang kumakalat na mga larawan na ang sasagot sa mga katanungan ng fans.

Ani Ogie : “‘Yan na ‘yung nagsasalita, naghuhumiyaw na katotohanan.”

Secret Link