
Deniece Cornejo says She Forgave Vhong Navarro.
Ibinahagi ng mismong Lolo ni Deniece Cornejo na si Rod ang pag-sambit raw ng kanyang Apo na matagal na raw nitong pinatawad ang aktor at tv host na si Vhong Navarro.
Masaya na raw sana si Rod na makakalaya na si Deniece mula sa kulungan matapos ibaba ang ipinataw na “jail term” o sentensya sa kanyang apo dahil itinuturing na umanong “time served” ang halos dalawang taong pagkakakulong ng dating modelo.
Ngunit bigla itong napurnada matapos masilip ng BuCor na may isang kaso pa pala ito na hindi pweding pagsilbihan na magkasabay kaya mananatili pa ito sa likod ng mga rehas.
Ani Rod : “They really want to destroy her, yun ang nakikita ko.. It’s not just justice, they really want to destroy the future of a young woman lady.”
Deniece Cornejo, pinatawad na raw si Vhong Navarro.
Sa kasalukuyan, naging abala raw si Deniece sa loob ng kulungan na nagbabahagi ng salita ng Diyos at nagtuturo ng “proper grooming” sa mga kapwa PDL o Person Deprived of Liberty.
Aminado naman ang kanyang Lolo Rod na matindi ang paghihirap na pinagdaanan ni Deniece sa selda at naibahagi raw nito sa kanya na matagal na nitong napatawad si Vhong.
Ani Rod : “I cannot help but help the same attitude, Lord. Bahala ka na. I forgave Vhong Navarro for what he has done. I forgave his allies, his fellow bashers.”


