
Deniece Cornejo and Cedric Lee Not Allowed to Leave Prison yet.
Muntinlupa, Philippines – Hindi pa agad makakalabas mula sa kulungan sina Deniece Cornejo at Cedric Lee ayon sa BuCor o Bureau of Corrections kahit inatasan ng Court Of Appeals ang agad na pagpapalaya sa kanila.
Kung ating babalikan, ayon sa abogado ni Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio, ibinaba ang ipinataw na “jail term” o sentensya sa kanya dahil itinuturing na umanong “time served” ang halos dalawang taong pagkakakulong ng dating modelo.
Ani Atty. Topacio : “Yung dalawang taon, more or less, na nakapiit po si binibining Cornejo ay ikinonsider na time served or ‘yun po ay natapos na niya ang kanyang sentensya kaya inorder na po siyang pakawalan.”
Deniece Cornejo at Cedric Lee, hindi pa makakalabas sa kulungan.
Sa kakapasok lang na ulat, hindi pa maaaring makawala sa rehas sina Deniece at Cedric. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Katapang Jr., nililikom o kumukuha pa sila ng kopya ng Entry of Judgment mula sa Court Of Appeals at Certificate of “No Pending Case” mula sa Taguig Regional Trial Court.
Hindi lingid sa marami na unang napatunayang “guilty” ng Taguig RTC Branch 153 sina Cornejo at Lee sa kasong “serious illegal detention for ransom” na isinampa ng aktor at tv host na si Vhong Navarro at hinatulan sila ng parusang reclusión perpetua.
Ibinaba naman ng Court Of Appeals sa “grave coercion” ang nasabing kaso at pinatawan sila ng parusang 6 months to 3 years na pagkaka-kulong.
Pero ayon sa BuCor, pinagsisilbihan parin hanggang sa ngayon nina Deniece at Cedric ang kanilang parusa para sa magkahiwalay na isang kaso na “grave coercion” sa Taguig RTC Branch 266 dahilan para hindi agad sila makalabas mula sa bilangguan.
Ayon sa BuCor, hindi pweding pagsilbihan na magkasabay ang dalawang kaso kaya tatagal pa o aabot pa sa 4 years at 21 days ang itatagal nila sa kulangan.


