Rene Baterbonia Life Story Film Production set to Continue.

Agusan del Sur, Philippines – Ibinahagi ni Sen. Robin Padilla na tuloy na talaga ang production ng life story film project para kay Rene Clert “Bobet” Baterbonia. Ang pumanaw na basketball player sa Dipaculao, Aurora noong June 8.

Kung ating babalikan, ginawang inspirasyon ng maraming kabataan si Rene dahil sa magandang kwento nito, hindi kasi naging dahilan ang kahirapan kay Bobet para sa kanyang pangarap basta magsumikap lang sa buhay.

Sa produksyon ng life story ni Baterbonia, aminado si Robin na may kinakaharap silang financial challenges ng kanyang kapatid na si BB Gandanghari, ito ay ibinahagi niya sa kanyang Facebook page kasama ang mga Mindanao filmmakers.

Ani Robin : “Kahit ginigipit na po tayo kahit sa usaping pinansyal ng mga mapaniil na mga nagsasabing sila ay matitinong tao at pati mundo ng industriya ng entertainment ay kanilang pinupolitika. Hindi po tayo bumibitaw sa paglalahad sa pamamagitan ng pelikula ang buhay ni Rene Baterbonia.”

Dagdag pa niya : “All set na si direk bb gandanghari at mga film makers ng Mindanao.”

Marami naman sa mga netizens ang sobrang excited na mapanood na ang “Just a kid with a big dream.” life story ni Bobet sa Big Screen, dahil sa nakakahangang buhay na ipinakita ng atleta.

Ani ng netizen : “Aabangan po namin ang pelikula… nakakahanga ang naging buhay ni Rene,l. Palagi ko siyang binabanggit na halimbawa sa mga estudyante ko. Madaming aral ang mapupulot ng kabataan sa kanyang naging buhay.”

“Pag iiponan ko to, panonoorin namin ng mga anak at pamangkin ko sa big screen. hindi ako mahilig manuod ng sine kasi may netflix o bili bili naman haha pero eto papanuorin ko to.”

Dagdag pa ng isa : “Gandang pelikula po ito sen .Robin Padilla. Tiyak na mapupulotan tlaga ito ng magagandang aral ,ng mga kabataang manlalaro ,na gustong iahon ang kanilang pamilya sa kahirapan,sa paraang alam nila.”