Deniece Cornejo set to be Released after time served.

Lumabas ang mga ulat na mukhang makakalaya na raw next week si Deniece Cornejo matapos atasan ng Court Of Appeals ang pagpapalaya sa dating modelo.

Hindi lingid sa marami na nakulong si Deniece noong 2024 dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ng aktor at tv host na si Vhong Navarro.

Sa diumano’y paglaya ng modelo, ibinaba kasi ang ipinataw na jail term o sentensya sa kanya dahil itinuturing na umanong time served ang halos dalawang taong pagkakakulong ni Deniece simula 2024 hanggang sa taong kasalukuyan.

Inaasikaso na raw ng abogado ni Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio ang mga dokumento na kailangan para sa kanyang nalalapit na paglaya at inaasahan na ito ay mangyayari na next week.

Ani Atty. Topacio : “Justice has been done.”

Paliwanag pa ng abogado : “Yung dalawang taon, more or less, na nakapiit po si binibining Cornejo ay ikinonsider na time served or ‘yun po ay natapos na niya ang kanyang sentensya kaya inorder na po siyang pakawalan.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag o komento ang aktor at It’s Showtime host na si Vhong Navarro tungkol sa balitang paglaya ni Deniece.

Secret Link