Lakambini Chiu Arrested in Qualified Theft Case Filed by Kim.

Quezon City Philippines – Matapos ang wish ni Lakambini o Lakam Chiu na sana ay magkaayos pa sila ng kanyang kapatid na si Kim, tuluyan na siyang inaresto dahil sa kasong 124 counts of qualified theft.

Kung ating babalikan, December 2, 2025, nagsampa ng kaso si Kim laban sa kanyang sister na si Lakam dahil sa nakitang ‘serious financial discrepancies‘ sa isang negosyo ng aktres.

Ani Kim : “After careful consideration and months of internal review, I have made the difficult decision to file a legal case for qualified theft against my sister, Lakambini Chiu, in relation to serious financial discrepancies discovered within my business operations.”

Ayon sa mga ulat, umaabot sa P44-million ang perang nawawala sa negosyo ni Kim Chiu kaya lumapit na siya sa mga awtoridad para sa legal na proseso.

Lakambini Chiu, inaresto na.

Sabado kahapon, September 20 ay tuluyan nang dinakip si Lakam ng Quezon City police sa Brgy. Wack Wack, Mandaluyong City.

Nagkakahalaga naman sa P5,838,000 ang piyansa ng kapatid ni Kim para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kung ating babalikan, humiling pa si Lakam na sana raw ay magkaayos pa sila ni Kim, ang kanyang mensahe ay pinaabot niya sa kanyang legal team na si Atty. Dominic Solis.

Ani ng Abogado : “Our client is saddened by her sister’s decision to pursue the case but remains hopeful that the matter can still be resolved amicably within the family.”

Secret Link