Hindi parin raw inaayos o inareglo ni Niño Muhlach ang isang biktima sa vehicular accident na nangyari noong August 23 sa Marcos Highway, Barangay Mambugan, Antipolo City.
Kung ating babalikan, inararo ni Niño ang mga establisimyento gamit ang kanyang sasakyan matapos raw siyang nakatulog habang nagmamaneho.
Ani Niño : “I want to be completely clear and honest : The accident was entirely my fault.”
Pagpapatuloy pa niya : “While fatigue overtook me, that is no excuse. Falling asleep at the wheel led directly to hitting a pedestrian and damaging nearby establishments.”
Paglilinaw ni Niño : “My priority right now is ensuring that the affected individual receives all necessary care, support and medical assistance and that all damages caused to the properties and establishments are fully compensated and rectified.”
Dinalaw naman ng aktor ang isa sa mga biktima na si Nicolas Villanueva sa ospital, dito na nangako si Niño na papalitan raw niya ang nasirang motor nito at mag-aabot pa ng tulong.
Ani ng aktor : “I just personally visited Nicolas Villanueva sa ospital to check on his condition.Siya yung aking natamaan sa aksidente na nangyari.”
Pagbabahagi pa ni Niño : “To clear up any concerns, wala naman po siyang bali. He sustained bruises and cuts on his legs, but the hospital is taking great care of him.”
Matapos ang tatlong linggo, nanawagan na sa social media si Villanueva dahil hanggang sa ngayon raw ay hindi na nagpaparamdam sa kanila si Muhlach.
Ani ng biktima : “Sir NIÑO MUHLACH pangatlong linggo na po. Parang binabalewala na po ninyo yung nangyari sakin. Ang galing galing niyong mangako pag may camera. Wala pala kayung isang salita sa mga sinasabi niyo. Di pa ako nakakapag trabaho dahil sa nangyari sakin pati motor ko di niyo parin pinapalitan.”
Dagdag pa ng ina ni Villanueva : “Ang ganda ng pakiusap po ninyo na lahat sagutin ninyo kasama po atty. Ninyo paano nman pong ang ang taong naghihirap ganun nalang sir mulach aug 23 2026 kung sa inyo nangyari ng ganyan nasagi ng anak ko sasakyan ninyo natural pakulong ninyo hnd ko gagawin ito kung natunong po kayong tumupad sa usapan natin mismo sa inyo galing na hnd nyo kmi pababayaan.”

