Dating relasyon nina Ryan Bang at Yeng Constantino, pinag-usapan.

Sina Ryan Bang at Yeng Constantino ang patunay sa salitang ‘what ifs’.

Muling pinag-usapan sa social media ang naudlot na pagmamahalan nina Ryan Bang at Yeng Constantino at tinawag pa ito ng mga netizens na ‘almost-love’.

Kung ating babalikan, taong 2010 nagsimulang ligawan ni Ryan si Yeng. Ito ‘yung mga panahon na kakapasok palang ng binata sa showbiz matapos ang kanyang paglabas mula sa PBB house.

Aminado naman si Ryan na sa mga panahong ‘yon ay wala pa siyang sapat na pera para dalhin si Yeng sa mga mamahaling restaurant o maging sunduin ito ng kanyang sariling sasakyan.

Ang natatanging afford lang raw ni Ryan ay kape at samahan ang singer sa kanyang pagsisimba. Maging sa mga lakad nila o restaurant dates ay si Yeng mismo ang nagbabayad ng mga bills.

Aminado naman si Yeng na ‘super crush’ niya talaga si Ryan noon. Not until dumating ang panahon na bigla nalang hindi na nagparamdam sa kanya ang binata.

Sa pagbabahagi ni Ryan, inamin niya na umabot sa ‘ghosting’ ang panliligaw niya sa singer, noong panahon kasing ‘yon ay sobrang sikat at stable na ang karera ni Yeng. Feeling raw niya na wala siyang pag-asa sa dalaga.

Naibahagi rin ng singer na sobra siyang nasaktan sa pagkawala ni Ryan, feeling raw kasi ni Yeng na pinaasa at na ‘seen-zoned’ lang siya ng binata.

Taong 2022, inamin ni Yeng sa It’s Showtime na ang kanta niyang B.A.B.A.Y na inirelease taong 2013 ay naisulat niya mula sa kanyang heartbreak dahil kay Ryan.

Laman ng lyrics ay “Pero bigla kang nawala, Para kang naging bula.” at “Sana nagpasabi ka man lang, Hindi gan’to wala akong alam.”

Sa kasalukuyan ay masaya na ang relasyon ni Yeng sa kanyang asawa na si Yan Asuncion, sila ay ikinasal taong 2015. Habang si Ryan naman ay nananatiling single matapos naudlot ang nalalapit na sana nilang kasal ng kanyang non showbiz ex-girlfriend na si Paola Huyong.

Nagbiro naman si Ryan na kung sakali raw na bibilhan niya ng kape sa kasalukuyan si Yeng ay kaya na niyang ma-afford ang isang ‘venti size’.

Share this article :