Nagsalita na si Atty. Poa tungkol sa laptop meme ni Sara Duterte sa social media.
Mabilis na sinagot ni Atty. Michael Poa ang kumakalat na viral meme sa social media tungkol sa pagbato sa kanya ng laptop ni Sara Duterte.
Hindi lingid sa marami na si Atty. Poa ay isa sa mga legal counsel ni Sara sa nagaganap na ‘impeachment trial’ sa Senado.
Sa naging panayam niya, dito na naitanong sa abogado kung tunay ba na nakaranas siya nang pambabato ng laptop sa ulo na ginawang meme sa social media.
Ani Atty. Poa : “Everyone is saying, ‘Ahh, kaya [pala] hindi pantay ‘yong mata niya kasi nabato siya ng laptop.’ It never happened. Never, never happened.”
Ibinahagi rin ni Atty. Poa na kung sakali man na mangyari sa kanya ang pagbato ng laptop ni Sara Duterte ay agad agad siyang magre-resign.
Aniya : “Hindi na. Bakit ako mag-stay? Meron naman akong sigurong respeto sa sarili ko. Kapag nabato ako, hindi. But she’s not like that.”
Paliwanag rin ni Atty. Poa, nagkaroon raw siya ng ‘ptosis’ o ang paglaylay ng kanyang upper eyelid. Ito raw ay naging side effect noong tinamaan siya ng COVID-19.




