Alex Gonzaga, nanganak na.

Nanganak na ang vlogger at aktres na si Alex Gonzaga.

Kinumpirma ni Mommy Pinty na matagumpay nang isinilang ni Alex Gonzaga ang baby nila ni Mikee Morada.

Kung ating babalikan, masayang ibinahagi ni Alex sa social media ang maternity shoot nila ni Mikee noong August 25. Tila nagpapa-hiwatig rin ito na nanganak na ang vlogger.

Caption pa ni Alex : “I’ll miss carrying you inside my tummy, my baby. It was like having our own little world. (cry emoji and white heart). Thank You Jesus!”

Nasulat naman ng PEP sa kanilang news article ang tungkol sa pag-reply ni Mommy Pinty sa kanilang text message, dito na nakumpirma ang panganganak ni Alex at ito raw ay isang baby boy.

Wala pa namang ibang detalye na ibinahagi tungkol sa panganganak ni Alex, kabilang ang eksaktong oras ng delivery at pangalan ng kanilang anak.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa balitang ito, masaya sila para sa bagong blessing na dumating sa buhay nina Alex at Mikee.

Ani ng netizen : “Congratulations Mikey and Alex families. Your baby will be so spoiled with lots of love. Finally your guys are parents now. Enjoy every moment with your little angel.”

“Congrats Po,,baby boy din sana baby ko,kaso kinuha sya agad ni Lord 6months sya sa tummy ko ng kinuha sya ulit I’m happy for you ma’am alex.”

Dagdag pa ng isa : “Praise be to God for he is so good…congratulations and welcome to the outside world baby boy..”

Share this article :