Robin Padilla, pumalag sa social media post ni Jolina Mae Espinosa.

Hindi nagustuhan ni Robin Padilla ang panawagan ng isang netizen na si Jolina Mae Espinosa.

Usap-usapan sa social media ang mapangahas na online post ni Jolina Mae Espinosa sa Threads tungkol kay Robin Padilla.

Ani Jolina : “wala bang maglalakas loob barilin bigla si robin padilla?”

Agad na nakarating kay Robin ang post na ito at agad na naglabas ng kanyang mahabang pahayag.

Ani Robin : “Kaya parang demonyo na ang mga kriminal sa pagpaslang ng tao dahil sa mga katulad nito na ipinangkakampanya ang pagpatay ng kapwa tao. Iha ako na lang ang natitira ninyong alas na handang magpakulong sa Icc para ubosin ang mga kriminal.”

Bahagi pa ng kanyang pahayag : “Wag mong naisin na maunahan ako dahil ang masagana at ang masaya kong pamilya ang handa ko ipagpalit para lamang maging matahimik at mapayapa ang kinabukasan niyo.”

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa naging online post na ito ni Jolina.

Anila : “I am not a fan of Robin Padilla. But I never thought that anything bad would happen to him.”

“Hindi na dapat patulan yan, Mali lang ang pagpapalaki ng kanyang magulang… Yung magulang niya sana dapat ang sasagot kung bakit meron ganon klase pag uugali ang kanyang anak.”

Dagdag pa ng isa : “Lakas ng loob nia magcooment ng ganun kala nia cguro ndi mapapansin. Kamusta kaya sya?! nakakatulog laya sya ngayon.”

Agad na naglabas ng isang Official Statement ang Air Asia dahil si Jolina Mae pala ay empleyado nila.

Anila : “AirAsia Philippines is aware of a social media post by one of our employees that has recently circulated online. AirAsia Philippines does not tolerate any conduct that promotes violence, discrimination, harassment, or malicious intent.”

Bahagi pa ng kanilang pahayag : “This matter is currently undergoing a thorough internal investigation. AirAsia will take strict disciplinary action on any misconduct in accordance with our internal procedures and due process.”