PHP397M na panalo sa BingoPlus, hindi binayaran?

Paldo na naging bato pa?

Umabot na nang ilang taon ngunit hindi parin nakukuha ni Rosita Estepa ang panalo niya sa Bingo Plus na nagkaka-halaga sa PHP397M.

Sa pagbabahagi ni Rosita, March 2025 ay tinamaan niya diumano ang ‘ultimate jackpot’ sa lucky spin ng isang online casino gaming app na Bingo Plus. Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa niya nakukuha ang kanyang premyo.

Agad na nakarating sa Bingo Plus ang panawagan ni Rosita na makuha na ang kanyang panalo at agad silang nagsalita tungkol sa naging laro ng player. Anila na nagkaroon raw ng isang ‘system error’ ang app nila habang naglalaro ang ginang.

Ani Rosita : “I believe that truth doesn’t need to hide. That’s why I faced the interview openly. Because my intention is clean, my conscience is clear.”

Samantala, isang player naman ang nagsalita dahil maging siya ay nanalo rin sa isang online casino na nagkakahaga sa PHP514M. Parehong-pareho raw ang sitwasyon niya kay Rosita.

Aniya : “Si Arena Plus.. Bingo Plus ‘yung mga team ng Arena Plus, binigyan nila ako hanggang magkano yung kaya nilang ibigay sa akin. Sinabi nila na.. una nga mababa pa parang P400,000. Sabi ko. hindi.. kalahating bilyon po ‘yan.. hindi naman makatwiran ang ibibigay niyo.”

Dito na Diumano siya inalok ng 600,000 pesos. Tinanggap na lamang daw niya ito dahil hindi na niya alam ang dapat na gawin.

Aniya : “Sabi ko, sobrang baba po talaga. Hindi po ako pumayag pero sinabi niya po na ‘take it or leave it’. Nandun [na] po ako sa posisyon na hindi ko alam ‘yung gagawin ko kasi mag-isa lang po ako, walang nagbibigay ng payo sa akin. Ayoko umuwi na wala man lang nangyaring maganda.”

Matapos nito ay tsaka lamang daw niya napag-tanto na hindi patas ang naging proseso. Muli daw siyang humingi ng tulong sa PAGCOR. Pero ayon sa kanya, sinabi diumano nila na kailangan niyang dumulog sa korte.