Courtesy : Ogie Diaz and Sanya Lopez

Ogie Diaz, pinag-usapan ang bagong ilong ni Sanya Lopez.

Hanggang sa ngayon ay talagang pinag-uusapan online o sa social media ang before and after nose ng aktres na si Sanya Lopez.

Hindi lingid sa marami na halos lahat ng netizens ay hindi nagustuhan ang bagong look ni Sanya matapos nilang mapansin na hindi pantay o tabingi ang pagkakagawa ng kanyang bagong ilong.

Komento pa ng mga netizens na tila mas bagay pa sa aktres ang dati nitong ilong na mukhang natural lang at hindi halata na nagpa-retoke, masyado kasing na overpower ang bagong ilong nito at tila hindi na magandang tingnan.

Ani ng netizen : “Ano ba yan Sanya.. sinayang mo ang natural look mo.. yes oo retokada kana before pero hindi talaga siya halata.. bakit kasi hindi kapa na kuntento? ngayon super halata na ata hindi pa pantay. sa bagay pera mo naman yan. ikaw bahala.”

Kaya sa latest Youtube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, dito na nila pinag-usapan ang bagong look ng aktres.

Panimula ni Ogie : “Oh ito.. isa pang grabe, talagang sinisita [ng netizens]. Grabe kasi yung eagle eyes ng netizens dito kay Sanya Lopez. Kasi ‘yung ilong daw, bakit daw [nagka] ganun na yung ilong ni Sanya? pinagawa na naman daw ba? medyo nasobrahan daw [retoke], nako, ano ba ang nangyayari?”

Aminado ang talent manager na huling kita niya kay Sanya ay sobrang nagandahan umano siya, ngunit bakit daw pinaulit pa nito ang kanyang ilong kahit na bumagay naman sa kanya ang huli nitong pinagawa.

Ani Ogie : “Ang ganda-ganda ng batang yan nung nakita ko noong huli eh, bakit? ewan ko, hindi ba talaga sila makuntento dun sa unang gawa?,

“Wala namang problema kung nagpagawa [o magpapa-retoke]. Kung sa ikakaganda, walang problema yan, at hindi na issue yung pagpapa-retoke at pagpapa-enhance, nagiging issue lang yan kapag-palpak [ang gawa],” dagdag ng talent manager.

Hindi lang si Ogie Diaz at ang mga netizen ang nakapansin sa hindi pantay at sa tabingi na ilong ni Sanya, dahil maging ang model na si RR Enriquez ay naglabas din ng kanyang pahayag at binigyan pa ng payo ang aktres.

Courtesy : Sanya Lopez and RR Enriquez
Courtesy : Sanya Lopez and RR Enriquez

Ani RR : “Sanya utang na loob. ipaulit mo ang nose mo. Hindi pantay. Hindi yan panlalait. Concern. ako. Nakakainis yung Doktor mo. Nilaro ka.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag ang aktres na si Sanya Lopez tungkol sa ingay ng social media dahil sa bago nitong ilong.