Kim Chiu, sinupalpal si Ogie Diaz.

Ano ang issue ni Kim Chiu sa talent manager na si Ogie Diaz?

May parinigan sa social media ang aktres at ang It’s Showtime host na si Kim Chiu at ang talent manager na si Ogie Diaz.

Sinagot ni Kim ang isang netizen na napa-tanong kung bakit ang tv host at aktres ang palaging topic ng talent manager na si Ogie sa kanilang Youtube show.

Ayon kay Kim, bet na bet raw siya ng iba na ipost sa social media for ‘monetization’ at pagka-kitaan.

Tanong ng netizen : “Ano bang meron kay Ate Kimmy at hindi niyo kayang tigilan? araw-araw na lang may new issue na pilit niyong ginagawa. Wala na ba talagang ibang mapagkaabalahan? Ang daming totoong problema sa paligid, pero mas inuuna niyo pa ang buhay ng isang taong tahimik lang namang nagtatrabaho.”

Repost ni Kim : “Truelamey!!! #cravings nila ako! Bet na bet! for monetization isama ko na din cguro to sa #KimChiuCharityProgram monetization is the key. You’re welcome po. makatulong man lang sa pang araw araw.”

Mukhang tinamaan naman si Ogie sa mga pasaring na ito ni Kim at agad na nag-post sa kanyang social media.

Chika ng netizen : “halaaaa ginagamit mo raw for monetization oh. sana nakatulong raw siya sa pang araw araw mo @ogiediaz.”

Sagot ni Ogie : “Salamat po. Nakatulong din tayo para makaangat ang isang artista sa mga panahong kailangan nilang makilala at sumikat. At ma-monetize ang career.”