Diamond cut veneers ni Zeinab Harake, presyong house and lot?

Magkano ba ang price ng diamond cut veneers ng vlogger na si Zeinab Harake?

Usap-usapan sa social media ang tungkol sa Diamond cut veneers ng vlogger na si Zeinab Harake at ito raw ay katumbas ng isang house and lot.

Ayon sa mga ulat, ang veneers set na ipinalagay ni Zeinab sa kanyang ngipin ay ‘Lumea Collection’ na nagkaka-halaga diumano sa PHP250k bawat isang ngipin o umaabot sa PHP5M bawat isang set.

Ang mga detalyeng ito ay ibinahagi rin ng pambasang marites na si Christian Albert ‘Xian’ Gaza sa kanyang social media account.

Ani Xian : “Last December, nagpunta sa Bangkok si Zeinab para suportahan ang Gilas Pilipinas. Sa kalagitnaan ng bonding namin eh napansin niya yung veneers ko. Ang ganda daw. Sabi ko “Well, syempre naman, 600K yan eh.” Niyabangan ko. Malaman-laman ko last week na nagpakabit pala ng diamond cut veneers ang qaqa worth 250K each.”

Dagdag pa niya : “Jusko, 5 million pesos isang buong set. Nakakaloka. Ngipin pa lang eh house & lot na. So nag-DM ako kay Zeinab sa IG para kompirmahin kung legit ba o fake news lang yung nasagap kong chika kasi sure ako na wala pa nito sa Southeast Asia. Sa Europe at Dubai ko lang na-heard ang diamond veneers.”

Marami naman sa mga netizens ang napa-komento sa presyo ng diamond cut veneers ni Zeinab, anila : “ok lang Yan pinaghirapan nya Pera Niya Hindi Yan kinurakot sa kaban Ng bayan.”

“So pera nman nya yan kung 22o man d nman sau inutang or galing ang pera wag masyado pakialamera s buhay ng iba wlng isyu dyan dagdag ganda lng ang gus2 nya masydong kng marites.”

Dagdag pa ng isa : “Masyado ng maluho yan hndi nlang itulong s mga nangangailangan tulad ni ivana.”