Kampo ni Eman Pacquiao, nireklamo si Rodelyn Perez.

Ano ang reklamo ng kampo ni Eman Bacosa Pacquiao laban kay Rodelyn Perez?

Nagpasa ng isang disciplinary complaint ang kampo ni Eman Bacosa laban kay Rodelyn Perez at sa referee na si Jerold Tomeldan.

Kung ating babalikan, nanalo si Rodelyn laban kay Eman sa isang boxing match sa DRP Sports Complex, Muntinlupa City noong June 21 sa scores na 75-75, 76-73 at 75-74.

Sa second round ng kanilang boxing match, unang bumagsak si Eman at sinundan pa ito ng dalawang pagbagsak niya sa third round.

Sa isang sworn affidavit dated June 26, nakasaad sa reklamo na nag-pakawala ng mga delikadong suntok sa batok si Rodelyn kay Eman, ito ay ayon sa ina at manager ng boxer na si Joanna Bacosa.

Ani Joanna : “In the second round of their match, Rodelyn delivered multiple rabbit punches… against Eman”.

Dagdag pa niya : “Referee Jerold clearly failed to effectively control the bout, including the failure to issue timely and meaningful warnings, impose appropriate penalties and/or take protective action when necessary.”

Agad na humingi ng imbestigasyon si Joanna para mapatawan ng disciplinary actions sina Rodelyn at Tomeldan. Maraming netizens naman ang nagsasabi na ang pagkatalo na ito ni Eman ay kasama talaga sa karera ng isang professional boxer.