Menu
Eman Pacquiao, natalo ni Rodelyn Perez.

Tinalo at napa-bagsak ni Rodelyn Perez si Eman Bacosa Pacquiao.
Nakatikim ng unang pagka-talo si Eman Pacquiao laban kay Rodelyn Perez sa Philippine Boxing Federation o PBF lightweight championship.
Naganap ang kanilang boxing match kahapon, June 21 sa DRP Sports Complex, Muntinlupa City. Dito na 3 beses pinabagsak ni Perez si Pacquiao sa score na 75-75, 76-73 at 75-74.
Sa second round ng kanilang boxing match, unang bumagsak si Eman at sinundan pa ito ng dalawang pagbagsak niya sa third round.
Maraming netizens naman ang nagsasabi na ang pagkatalong ito ni Eman ay kasama talaga sa karera ng isang professional boxer.
Muli rin nilang binalikan ang unang pagkatalo ng kanyang ama na si Manny Pacquiao na hindi naging hadlang para mas galingan at pagbutihin pa nito ang kanyang susunod na mga laban.
Ani ng netizen : “Manny Pacquiao suffered his first-ever professional defeat to a fellow Filipino on February 9, 1996. He was knocked out in the third round by Rustico Torrecampo in a flyweight bout at the Libertad Stadium in Mandaluyong City, Philippines. SO ANONG PROBLEMA? DI SA.LAHAT NG PANAHON AY KAYA NG MGA FIGHTERS KAHIT GAANO PA KAGALING.”
“Napakahumble din Nung perez mukang mahirap lang pero magalang gamit na gamit Ang salitang PO at OPO..Hindi pa nag uumpisa Ang laban hinuhusgahan at minamaliit na kagad sya nang mga fans Nung emman pero sya pa Ang nanalo ..grabe talaga si LORD itataas nya talaga Ang binababa nang iba Lalo na’t mabuti Kang tao.”
Dagdag pa ng isa : “Okay lang yan Eman kaysa naman Rodelyn pangalan mo.”



