Inah de Belen, tinawag na bwesit si Rosmar Tan.

Hindi pa tapos ang parinigan nina Inah de Belen at Rosmar Tan.

Usap-usapan online sina Inah de Belen at Rosmar Tan matapos ang mga patutsada nila sa isa’t-isa sa social media.

Kung ating babalikan, mainit na pinag-usapan ang komento ni Inah sa kanyang social media tungkol kay Rosmar, may isang netizen kasi ang nagsasabi na may hawig ang starlet sa content creator.

Ani Inah : “guys sino ba si rosmar hindi ko siya kilala, Naresearch ko na siya plssss don’t associate me with her ew.”

Agad na sumagot si Rosmar : “Kung maka “ew” ka naman sakin at di nya daw ako kilala. Nahiya naman ako sayo filipina actress nakalagay pero di din naman kita kilala. Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa tv kesa sayo ante. Kung maka ew wagas inaano ka?”

Nagsalpukan naman ang mga followers nilang dalawa sa comment section at dito na na-badtrip ang starlet na si Inah dahil patuloy na binabanggit ang pangalan ni Rosmar sa social media account niya.

Ani Inah : “pls wag niyo na banggitin name niya dito nabbwisit ako.”

Sagot ni Rosmar : “Sinabihan ka ng artista kuno ng EW at Nakaka BWISIT ng isang taong wala ka naman ginawa o pinakitang masama sa kanya.”