Maine Mendoza’s acting in Lenten Special draws criticism

Inokray at naging usap-usapan online ang pag-acting ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga Lenten special kamakailan.
Bakit inokray ng mga netizens sa social media ang acting performance ni Maine?
Netizens react to Maine Mendoza’s performance in Libre ang Mangarap
Maraming Eat Bulaga viewers ang hindi nagustuhan ang acting performance ni Maine sa ilang eksena ng ‘Libre ang Mangarap‘.
Caption sa Reddit : “Dubsmash vibes pa rin acting ni Maine Mendoza, Di mo tuloy alam kung matatawa siya o maiiyak sa eksena.”
Ang naturang eksena ay ‘heavy acting drama’ at makikitang tinodo ng mga ka-eksena ni Maine na sina Paolo Ballesteros at Ryzza Mae Dizon ang pag-acting.
Reddit comments on Maine Mendoza’s dramatic scenes
Ngunit napansin ng mga marites na ang acting ni Maine ay mukhang pilit at natatawa pa.
Komento ng mga netizens : “Sya mismo tumatawa sa eksenang drama eh. Munggago, kabog diyan si mama pao.”
“Buti na lang di na sya nagpush as an actress and once a year lang actingan nila sa Eat Bulaga. lol. Pero dami pa rin mga nepo babies, may mga clout, or mga nega ang image na pinupush ng mga network na mabigyan ng platform.”
Dagdag pa ng isa : “Yung mukha ni Maine, yung nagdedeliryo na kasi hindi mailabas yung tubol!!”
