Ate Gay, nakaka-tanggap ng tulong mula kay Heart Evangelista.

Bakit labis ang pasasalamat ni Ate Gay kay Heart Evangelista?

Ibinahagi ni Ate Gay na may malaking tulong ang aktres-model na si Heart Evangelista sa pakikipag-laban niya sa sakit na cancer.

Sa naging panayam Gil Aducal Morales o mas kilalang Ate Gay sa programa ni Tito Boy na ‘fast Talk with Boy Abunda’, dito na nila pinag-usapan ang tungkol sa naging tulong ni Heart sa komedyante.

Ani Tito Boy : “Hindi alam ng marami, pero ang sumasagot sa iyong pang-araw-araw ay ang ating kaibigang si Heart Evangelista.”

Chika ni Ate Gay : “Napakabuti ni Heart. Monthly niya po akong binibiyayaan. Heart, thank you so much.”

Dagdag pa niya : “Actually, nung [may nag offer] ng Asian Hospital, si Miss Heart, inofferan niya akong pumunta ng Singapore. Eh [may nauna na]. Kaya ayun na lang ang ano ni Ms. Heart.”

Hindi lingid sa marami na September 2024 ay ibinalita ang pagka-diagnosed ni Ate Gay ng sakit na stage 4 cancer.

Ani Ate Gay : “Mahirap ngayon ang lagay ko… May kanser ako, stage 4 daw. Magtatagal [pa] ba ang buhay ko?”

“Ang sabi [ng doktor], hindi na daw ako aabutin ng 2026. Kaya ang sakit-sakit sa akin, hindi na rin daw ako puwedeng operahan. Wala raw lunas, masakit [para] sa akin.

Dagdag pa niya : “Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nag-kulang kay Lord, although lagi kong sinasabi na walang himala [pero] kailangan ko po ng dasal.”

Sa kasalukuyan, tuloy tuloy na ng improvement ng kalagayan ni Ate Gay at tuluyan na rin na nawala ang malaking bukol niya sa kanyang leeg.