Menu
Heart at John Prats, nagpa-kilig sa Teka Lang ni TJ Monterde.

Good Old days talaga ang music video ni TJ Monterde na ‘Teka Lang’.
Usap-usapan ang music video ni TJ Monterde na Teka Lang, dahil tampok rito ang dating loveteam na sina Heart Evangelista at John Prats.
Sa first part ng music video, pinagbibi-dahan ito ng PBB Big Winner na si Caprice Cayetano at ni Jairo Nolasco na nagka-kilala sa isang camping site.
Habang sila ay nasa camp site, mas nakilala nila ang isa’t-isa na nag-mistulang ‘first love’ o ‘puppy love’.
Ipinakita rin rito ang malaking kalungkutan sa mata nilang dalawa matapos ang kanilang camping activity ay hindi na sila nag-kitang muli.
[Jairo : Araw araw akong babalik sa camp site, kahit wala ka.. kung saan kita nakilala.]
Ikinagulat naman ng mga fans ang plot twist sa music video na ito ni TJ Monterde na ‘Teka Lang’ dahil matapos ang 23 years ay muli silang nagkita.
Dito na pumasok sina Heart Evangelista at John Prats habang nasa bus station dahil sila pala ang young Caprice at young Jairo.
Makikita ang mga lungkot sa kanilang mga mata matapos mapansin ni Heart ang bracelet na nakasabit parin sa bag ni John, ito ang bagay na ibinigay niya habang nasa camp site pa sila.
Dito na agad natapos ang naturang music video pero tila maraming netizens ang nabitin dahil masyado silang pinakilig ng bagong single ni TJ.



