Chie Filomeno, hiwalay na kay Matt Lhuillier.

Hiwalay na raw si Chie Filomeno sa bilyonaryong si Matthew ‘Matt’ Lhuillier?

Usap-usapan sa social media ang tungkol sa break up ng aktres na si Chie Filomeno sa negosyanteng si Matt Lhuillier.

Kung ating babalikan, nakaraang taon ay umingay ang mundo ng social media dahil sa hiwalayan nina Chie at ng aktor na si Jake Cuenca, naging usap-usapan rin ang agad na pagka-link ng aktres kay Matthew Lhuillier.

Si Matthew ay isang negosyante at founder ng Bisaya Brew na located sa Mandaue City sa Cebu, miyembro siya ng Lhuillier family na nasa 4th generation ng kanilang angkan at naka-takdang tagapag-mana ng M. Lhuillier Group of Companies.

Ang M. Lhuillier Group of Companies ay isa sa pinakamalaking financial chain sa Pilipinas, ang kompanyang ito ay kilala sa kanilang financial services, pawnshops, money remmittance services, quick cash loans, bills payment, insurance, kwarta padala at marami pang iba.

Samantala, tila ‘free trial’ lang ang naranasan ni Chie na mag ala-disney princess o ma-enjoy ang ‘lavish lifestyle’ dahil lumabas ang mga ulat na hiwalay na raw sila ng negosyante.

Ibinandera sa social media ang tungkol sa hiwalayan nilang dalawa ng pambansang marites na si Christian Albert ‘Xian’ Gaza. Tinawag pa niya itong ‘Good News’ para sa kaniyang mga followers.

Ani Xian Gaza : “Puros negative na lang yung mga balita around the world kaya heto good news muna tayo mga mars… Chie Filomeno at Matt Lhuillier, hiwalay na! Jake Cuenca, nagpainom sa BGC!”