Menu
Wife ni Nikko Natividad, iniyakan ang video scandal ng asawa.

Nag-salita na ang wife ni Nikko Natividad tungkol sa viral video ng kanyang asawa.
Ayon sa wife ni Nikko Natividad na si Cielo Mae Eusebio, pinili nilang ayusin ang problema nilang mag-asawa tungkol sa lumabas na video.
Kung ating babalikan, isa sa lumabas na mga video ang kay Nikko na pinag-pyestahan ng mga netizens sa social media.
Kabilang na ang mga private videos nina Aaron Villaflor, Ron Angeles at Gil Cuerva. Agad naman silang binansagan ng mga netizens bilang ‘Big 4’ dahil walang jutay raw sa kanilang apat.
Sa bilis nang pagkalat online, agad na nakarating kay Cielo ang video ng kanyang asawa na si Nikko at ang tanging nagawa lang niya ay umiyak.
Pagbabahagi ni Nikko : “Hindi niya ako sinampal… umiyak lang siya nang umiyak. Nakaramdam pa siya ng awa sa akin… doon ako nag-breakdown. Sabi ko sa kanya, hiwalayan mo ako kung gusto mo… pero huwag kang bibigay. Kung iiwan mo ako ngayon, hindi kita pipigilan. Deserve ko ‘to.”
Sa isang social media post naman, ibinahagi ni Cielo na hindi madali para sa kanya ang pinagda-daanan niya kahit matagal ng panahon na nangyari ang viral video.
Ani Cielo : “I just want to say this from my heart. I’m not pretending like nothing happened. I feel the pain every single day. Masakit na masakit. I even prayed and asked God many times na sana panaginip lang lahat… but it’s not. Nangyare na ang nangyare. And now we have to face it. Matagal man na nagawa pero same pa din ‘yung sakit.”
Bahagi pa ng pahayag niya : “Wag n’yo ako pag sabihan na ‘di ko maiwan dahil wala akong choice?’ Meron po. Meron akong choice at eto ang pinili ko ang magpatuloy. This is not just about me as a wife anymore. It’s about us as a family.
“Ako lang ang nakakaalam how painful this has been for me. The sleepless nights, the tears, the questions in my head. Pero I also know how beautiful our family is. I know what we have. And I know what we could lose.
“Spare me and my family. PLEASE Stop being harsh. I stand with my husband despite his mistakes. I am his wife. And I am the only one who can decide for our family not the opinions, not the noise, not the judgment.”
Pahabol pa niya : “We are trying. We are healing. And we are choosing to trust God through this.”


