Francis Leo Marcos, nakulong.

Bakit nakulong ang social media personality na si Francis Leo Marcos?

Arestado o nakulong si Francis Leo Marcos matapos ilabas ang kanyang warrant of arrest ng mga awtoridad dahil sa kasong unjust vexation.

Sa isang press conference ng NAPOLCOM o National Police Commission noong February 24, dinipensahan ni Francis Leo ang kanyang sarili.

Aniya na ang lahat ng mga kaso na naka-dikit sa pangalan niya ay natapos na noong 2020, ngunit ang hindi niya maintindihan na dahil lang sa kasong ‘unjust vexation’ ay tila pinahiya na siya sa buong Pilipinas.

Ani Francis Leo : “Lahat po ng binibintang nila natapos na po noong 2020 pa, naging kaso na po lahat ‘yan at na-acquit po ako diyan. Ngayon po ‘yong laban namin ni Pacquiao, ako po ang unang nagsampa ng kaso laban sa kaniya. Opo, ako po ang unang nagsampa, ako unang na-warrant.”

“So unjust vexation lang, kung ipahiya n’yo ako sa buong Pilipinas, grabe para akong pumatay. ‘Yong sinasabi ninyong maraming ako inestafa, 2020 pa lang marami nang nagsasabi niyan, wala naman nagkatotoo kahit isa.”

Dagdag pa niya : “Tapos papahiyain n’yo ako, national TV, ng ganito na kesyo ako daw ay nag-mura kay ganito. Merong dahilan po ‘yun kung bakit ako nakapagsalita ng hindi maganda sa isang heneral.”

Si Francis Leo Marcos ay nakulong matapos ihain sa kanya ang kanyang warrant of arrest noong February 24 sa isang hotel habang kumakain at naka-livestream sa social media.